PATOK sa mga netizens gabi-gabi ang Kapuso tandem nina Gabbi Garcia at Gil Cuerva sa Beautiful Justice. Maraming kinikilig sa kanilang tambalan bilang sina Brie at Vin respectively. To think na ang talagang boyfriend ni Brie sa story ay si Lance (Derrick Monasterio). Pero nawala sa eksena si Lance na nakuha ng sindikato, kaya sa paghanap ng justice sa kanilang mga mahal sa buhay nina Brie, Alice (Yasmien Kurdi), Kitkat (Bea Binene) at Vin, nagkahulihan ng loob sina Brie at Vin.

Gil at Gabbi

“Nagulat din po ako nang malaman kong may Team Vin kami sa social media ni Gil at mayroon na ring Team Lance ngayong bumalik na ang character ni Derrick,” sabi ni Gabbi. “That is why Direk Mark Reyes has been doing a lot of adjustments para maibigay namin ang gusto ng mga televiewers. Ang saya po namin while reading the reactions of the viewers online at masaya rin kami na nabibigyan namin sila ng good show na gusto nila.”

Kahit si Gil ay nagugulat sa response ng mga televiewers nila gabi-gabi, kaya labis-labis ang kanyang pasasalamat.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Pero marami ring nagsasabing mas gusto nila ang Team Vin dahil sweet at very caring nito kay Brie, samantalang si Lance ay arogante at hindi magandang kaibigan kay Vin.

Mas marami pa kayong pasabog na hihintayin sa “Beautiful Justice” na dinidirek ni Mark Reyes at napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

-Nora V. Calderon