COLLECTOR pala ng mga lumang Santo si Beauty Gonzales-Crisologo at ang pinakamatanda ay “250 years!”, sabi sa amin ng aktres nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng pelikulang Hellcome handog ng Star Cinema na idinirek ni Bobby Bonifacio, Jr.

HELLCOME CAST

Inamin ni Beauty na fascinated siya sa mga lumang santo, “I’m weirdly beautiful, ha, ha, ha. I don’t know, kasi parang not a lot of people love those things and I find love in those things, so parang I appreciate things that already sira and I won’t fix them, huh? I like how it looks, so wala lang it’s just my own thing. Doon ko na-express ang mga feelings ko na hindi ko nalalabas.”

Simula bata palang ay nangongolekta na ang aktres, “I really like talaga mga religious artifacts, nothing new; old lahat, I don’t like anything new.”

Vice Ganda kapag sinayawan ni Jackie: 'Baka masampal ko 'yan!'

Hindi ba ito napapanaginipan ni Beauty dahil nakalagay sa buong bahay niya.

“No, no! Yes, in front of me, it’s beside me, top of my head, naka-display,” nakangiting sagot sa amin ng lead star ng Hellcome.

Ayaw namang aminin kung ilang piraso ang mga santo pero may mga life-size raw. At tinanong namin kung hindi ba natatakot ang anak niyang si Olivia, 2 years old.

“No, I tell her that it’s her friends, yeah and wala naman and I teach her how to appreciate things. Kasi it’s not about being scared of those things, it has a story, eh. I come from families to families to families and it’s not scary naman, it’s still a santo,” kuwento ni Beauty.

Samantala, unang beses makatrabaho ni Beauty si Dennis Trillo sa Hellcome at ang ibang cast tulad nina Gillian Vicencio, Teejay Marquez, Alyssa Muhlach ang mga batang sina Miel Espinosa at Nhikzt Calma kaya excited siya dahil bago para sa kanya. Si Raymond Bagatsing ay nakasama na niya sa teleseryeng Pusong Ligaw, noong 2017.

“It’s nice kasi masarap ‘yung feeling to meet new people,”saad ng aktres.

Sa gaganaping premiere night ng Hellcome ay posible bang imbitahin ni Beauty ang mga kasama niya sa Kadenang Ginto?

“Well, if they’re free kasi ‘di ba, vacation time na ‘yung 29 (October), so I’m not expecting and not pressure kasi lahat kami kating-kating magbakasyon (sabay tawa) kasi isang taon na rin ‘yung Kadenang Ginto, so kung pupunta sila, happy ako, but you know, I don’t wanna pressure anyone kasi ayoko rin namang i-pressure ako sa isang bagay na hindi ko rin ma -commit ang sarili ko,” paliwanag ni Beauty.

Anyway, supernatural thriller ang paglalarawan ni direk Bobby sa Hellcome at kung bakit, “you have to watch the movie,” sabi niya.

Mapapanood na ang Hellcome sa Oktubre 30 nationwide at may premiere night sa Oktubre 29.

-Reggee Bonoan