HINDI man nila gusto, kailangan nina Mo Tautuaa at Christian Standhardinger na kaagad makapag-ensayo sa mga bagong kasangga upang makasabay sa takbo ng sistema sa kanilang bagong koponan.

Nagpalitan ng tropa ang dalawang Filipino-foreign players nang magkasunod ng trade ang San Miguel Beer at NorthPort.

Kaagad na nag-report sa ensayo ng San Miguel si Tautuaa sa Acropolis Gym matapos lagdaan ang trade nitong Lunes. Hindi naman kaagad nagpakita sa NorthPort si Standhardinger na tila nabigla sa naging desisyon ng Beermen.

“Okay naman,” pahayag ni NorthPort Governor Erick Arejola patungkol sa FilGerman recruit.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

-Jonas Terrado

Mga Laro sa Biyernes

(Ynares Center, Antipolo City)

4:30 n.h. -- Meralco vs Blackwater

7:00 n.g. -- TNT KaTropa vs Alaska