ANG madiin at paulit-ulit na sagot ni Sunshine Dizon na “NEVER...NEVER...NEVER” nang tanungin sa mediacon ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw kung nagbago na ang tingin niya sa mga kabit dahil kabit ang role niya sa drama series na magpa-pilot sa October 21 after Eat...Bulaga.
“Iba ang sitwasyon ni Laura (her character in the series) sa nangyari sa akin in real life. Walang alam si Laura na may asawa na si Mario (Alfred Vargas), niligawam siya at pinakasalan at ‘di niya alam na may asawa na pala. The stort happened in the ‘90s at wala pang CENOMAR noon, hindi pa mabi-verify if a person is married or not. I’m sure the viewers of Magkaagaw will sympathize with Laura. Hindi si Laura ang cause ng break-up ng marriage nina Mario at Veron (Sheryl Cruz),” paliwanag ni Sunshine.
May dagdag na pahayag si Sunshine na ikinonek sa nangyari sa kanya na dahil sa third party, naghiwalay sila ng asawa niyang si Timothy Tan.
“Ganito lang ‘yun, kung alam mong kasal na ang lalake, bakit ka papasok sa relasyon na alam mong makakagulo ka lang? Naranasan ko ang nangyari kay Laura, tinanggap ko ang project na ito at ang role ko bilang kabit at kailangang ihiwalay ko ang personal sa trabaho. I am an actor and whatever role given to me I will gladly accept it.”
Inalala ng press people na nag-number one noon ang Ika-6 Na Utos, kaya ang tanong sa kanya, mauulit ba sa Magkaagaw ang nangyari sa Ika-6 Na Utos na dahil sa feedback at mataas na ratings, nag-number one sa kanyang time slot at nagsimula sa hanggang Sabado ng airing ng soap ng GMA-7 at na-extend ng matagal.
“Dapat i-claim na natin. You have to have to be positive with the outcome of Magkaagaw, i-claim na natin. We have a good story, mahusay na director si Tatay Gil (Tejada, Jr.), we have a very good writers at magagaling ang mga kasama ko sa cast, kaya i-claim na natin,” pagtatapos ni Sunshine.
-NITZ MIRALLES