NATUWA ang fans ng Barretto family sa pinost na photos ni Joaquin Barretto, kapatid na lalake nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa St. Luke’s Medical Center, kung saan, naka-confine ang kanilang ama.
Sa isang litrato, makikita sina Claudine at Julia Barretto na nag-uusap at ang caption ni JJ ay “Clau and Julia. Sharing a moment while visiting dad.”
Binisita kasi ni Julia ang lolo niya at nagkataong si Claudine ang tokang magbantay sa ama, kaya nagkita at nagkausap sila ni Julia. Comment ng netizens, imaging kung kasama ni Julia ang mom niyang si Marjorie Barretto sa pagdalaw sa ama, sana nagkita at nagkausap sila ni Marjorie at nagkabati na.
Sa isa pang picture, magkaharap sina Claudine at Julia at isa pang hindi kita ang mukha, ang caption ng picture ay “Successful family meeting.”
Nagdadasal ang fans ng Barretto family na maayos na nina Gretchen at Marjorie at Claudine at Marjorie ang kanilang problema para masaya na ang kanilang pamilya. Kasama rin sa dasal n asana dalawin ni Gretchen ang amang may sakit para mabilis ang paggaling nito.
-NITZ MIRALLES