LITERAL na mabagal ang kantang Mabagal, kantang inawit nina Moira dela Torre at Daniel Padilla, gayunman, hataw naman ito sa nakuhang mga awards.

Dan, Moira at Daniel

Composed ni Dan Martel Simon Tañedo, ang Mabagal na nanguna ngayong taon sa Himig Handog songwriting competition, kung saan nito naiuwi ang limang awards. Bukod sa pagiging Song of the year, wagi rin ito bilang MOR Philippines Choice Award, MYX Choice for Best Music Video, One Music PH choice for Favorite Interpreter, Star Music choice for Best Produced Track, at Most Streamed Track.

How does it feel to be a grand slam winner?

Bianca Gonzalez na-pressure daw maging main host; Toni Gonzaga, mukha ng PBB

“It was a dream come true,” pahayag ng 25-anyos na composer matapos maianunsiyo ang winners na sa ASAP Na’Tin ‘To stage. “Hindi ko po ma-describe ‘yung feeling eh. Sa totoo lang, pakiramdam ko para akong nananaginip. Ayoko na nga ata magising.”

Kapwa, hindi na baguhan ang dalawang singer sa competition. Two years ago, si Moira rin ang nag-interpret ng Titibo-Tibo, na nakakuha ng top award. Habang voters’ choice trophies naman ang nakuha ni Daniel para sa kantang Nasa Iyo Na Ang Lahat (2013) at Simpleng Tulad Mo (2014).

“To be honest, nu’ng ina-nounce (na panalo ‘yung song namin), parang nag-flashback lahat nu’ng two years ago. Ang sarap lang po sa feeling na maging part ng Himig Handog ulit,”ani Moira.

Para naman kay Daniel, “Nakaka-miss din eh. Nakakatuwa at the same time, iba kasi ‘yung journey ng song na’to para sa’kin. Tapos isama mo na rin diyan ‘yung genuine love nu’ng composer du’n sa music. So nakakatuwa lang talaga.”

Samantala, tinalo lang naman ni Dan ang nasa mahigit 4,000 entries at nakuha ang P1 million cash prize.

Narito ang kumpletong listahan ng winners:

BEST SONG – Mabagal, composed ni Dan Tañedo, interpreted nina Daniel at Moira

2ND BEST SONG – Simula ng Dulo, composed ni Davey Langit at Therese Marie Villarante, interpreted ni Davey Langit

3RD BEST SONG – Please Lang, composed ni Aikee Aplacador, interpreted ni Alex Gonzaga

4TH BEST SONG – Nung Tayo Pa, composed nina Rex Torremoro at Elmar Jann Bolaño, interpreted ni Janella Salvador

5TH BEST SONG – Panandalian, composed nina Jerome Arcangel at Cee Jay Del Rosario, interpreted ni TJ Monterde.

SPECIAL AWARDS:

MOR PHILIPPINES’ CHOICE AWARDS – Mabagal, ni Dan Tañedo,

MYX CHOICE FOR BEST MUSIC VIDEO – Mabagal, ni Dan Tañedo,

ONE MUSIC PH’S CHOICE FOR FAVORITE INTERPRETER – Daniel at Moira para sa Mabagal, composed ni Dan Tañedo

STAR MUSIC’S CHOICE FOR BEST PRODUCED TRACK – Mabagal, ni Dan Tañedo LISTENER’S CHOICE FOR MOST STREAMED TRACK – Mabagal, ni Dan Tañedo

-Regina Mae Parungao