HINDI naitago ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagkakilig niya ng ikuwento na tinext siya ni Piolo Pascual para gumawa ng pelikula.

PIA WURTZBACH

Base sa kuwento ni Pia, “he messages me the other night, ‘Pia ano movie na tayo?’ (Kinilig), so schedule na lang.”

Sabi namin sa dalaga na kinilig siya, “oo naman, ikaw ba naman ang i-text at ayaing (gumawa ng movie).”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paano kung may intimate scenes na kailangan sa pelikula nila ni Piolo, allowed ba si Pia na gawin iyon.

Napangiti muna, “I don’t know, I mean I have this endorsement contracts that certain clauses that you respect and follow. Saka ako rin hindi rin naman masyadong comfortable.”

At kahit na kinikilig si Pia kay Piolo ay loyal siya sa kanyang boyfriend na tatlong taon na sila ngayong Nobyembre.

Samantala, kasama ni Pia si 1969 Miss Universe Gloria Diaz sa ginanap na grand opening ng showroom ng DeluxeHome sa MC Home Depot, 32nd Street BGC, Taguig City at masayang ikinuwento ng dalaga ang payo sa kanya ni Ms Diaz kung paano bumili ng mga gamit.

“Congratulations to LuxeHome for finally opening here in BGC kasi they carry a lot of international brand and it’s my first time to visit the store.

“Sakto kasi I just recently moved in to my new condo in Century (BGC) and it open my eyesf to the world of furniture and interior designs so I have my new sense of appreciation for home décor, for bed. I mean I’m starting to build my own preference. My theme in my unit is mid century modern.

“Sabi ni Ms Gloria sa akin, the best time to test mattresses is in the morning, so punt aka sa umaga kasi pag hapon na, everything will feel good to you kasi pagod ka na. So in the morning pag humiga ka, doon mo mase-sense na ay ito pala ‘yung gusto ko, malambot pa. Kaya sakto kasi malapit naman ako dito so, umaga ako pupunta,” nakangiting kuwento ni Pia.

Nabanggit din kasi ni Ms Gloria na isa sa beauty secret niya ay matulog lalo na kung wala namang ginagawa kaya sanay siya sa masarap na higaan at aminadong matagal na siyang customer ng DeluxeHome.

Sinang-ayunan naman ni Pia ito dahil siya rin daw siya mahilig matulog.

“I agree with that na kailangan talaga ng pahinga hindi puwedeng tuluy-tuloy ka lang na non-stop nagwo-work kasi your body suffers din at makikita ‘yun sa skin mo at sa mukha at kahit ‘yung kapit ng make-up sa ‘yo iba pag wala kang tulog, so I believe that like a goodnight sleep is very important at saka quality ha, hindi ‘yung 8 hours pero (gising naman ang diwa) na parang konting ganu’n lang gising ka na. Dapat mari=reach mo ‘yung tinatawag na REM (rapid eye movement), ‘yung level ng sleep na medyo malalim ‘yun talaga ang nakakapag-recover and it’s a good advice from Ms Gloria. We talked about an hour palang and I got so much advice,”masayang kuwento ng dalaga.

At gusto rin niya ng maraming unan like 3 big pillows, “but in the morning (nasa lapag na lahat) kaya tingin ko malikot akong matulog, tingin ko lang. I’m good with 6-7 hours of sleep but then if I don’t have work the next day, I try to make it 8 hours and put the alarm off so I can wake up naturally. My bed is queen size and I realize na mayroon palang Philippine Queen size and mayroon ding US Queen size, mas malaki ‘yung sa US. Ngayon ko lang din natutunan ‘yan (kay Ms Gloria).

“Si Ms Gloria kasi she’s been to this store before and nakabili na siya ng sofa, chair and a bed here (Derucci bed), siya ‘yung nag-tour na sa akin around here and itinuro niya sa akin ‘yung bedframe and kinds of bed.”

At sa tagal nang nagkikita sa events sina Pia at Ms Gloria ay doon lang sila nagpalitan ng contact number, “kasi laging maraming tao all the time at nagmamadali rin kaya walang chance. And she’s really cool and I also love Belle (Isabelle Diaz) like I hang up with her during the ball and we used to (live) in the same area before at nakakasalubong ko siya.”

As of now ay abala si Pia sa maraming bagay kasama na ang pelikula nila ni Vhong Navarro mula sa Black Sheep Productions na gagampanan niya ang isang psycho girlfriend.

-Reggee Bonoan