MAY kinalaman pala sa Yellow Dick painting ni Ormoc City Mayor, Richard Gomez ang nag-trending sa Twitter na #YellowDick. Nag-react ang mga netizens sa painting ni Goma ng male genital lalo na nang malamang nabili ang painting for P196K. Unfair daw sa legit painters na ganu’n kamahal ang paintings ni Goma, pero hindi na kasalanan ni Goma kung binili ng ganu’n kamahal ang nasabing painting.

Richard at ang kanyang painting

Kasama ang Yellow Dick painting ni Goma sa Manila Art 2019 exhibit at dito na nagkagulo ang netizens. Pinag-usapan, na-tweet kaya nag-trending. Nakakatuwa at nakakatawang basahin ang comments na kung mababasa ni Goma, matutuwa at matatawa rin.

Sabi ng isang netizen, kung nabili ng ganu’ng kamahal ang painting ni Goma, puwede na rin niyang ibenta ang kanya. Kaya lang, kailangan muna niyang i-paint ang manhood niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sabi ng isa pa, “art needs no explanation, but can someone please explain y his dick cost 196k.” Katawa ang isa pang comment na “yung artwork ni Richard 196K punyemas ibebenta ko na ‘yung mga dingding at silya sa school namin para magkakuryente na!”

Comment pa ng isa, “TBH, hindi ako artist pero sagad yung pagkadismaya ko e anu pa kaya yung mga totoong artist na grabe yung puso na binibigay nila habang gumagawa ng obra? Masaya ka na Richard Gomez, ano ang sagot?”

Pero, sorry na lang sa netizens dahil wala pang sagot si Richard sa mga nagrereklamo sa kanya.

-NITZ MIRALLES