INAMIN ni Sharon Cuneta na itong Iconic concert nila ni Regine Velasquez ang isa sa huling gagawin niya sa kanyang career bago siya mag-retiro.

Aniya, “it’s one of the last few concert na I’m going to do, iba pa ‘yung tour-tour sa States show ha. Isa ito sa pinaka-special (Iconic) kasi ilang taon kong hinintay na makasama na back-to-back on stage, it’s a first time to do it on stage with a woman, a singer na ganyan kagaling na respetado, so for me for sure, very emotional. It’s a big factor na kaibigan mo ‘yung kasama mo, genuine at sincere ‘yung love ko kay Reg (tawag kay Regine).”

Ngayong 2019 ay 41 years na sa showbiz/music industry si Sharon at kahit ganito na siya katagal ay hindi pa rin handa at hindi sumusuko ang supporters niya na mag-retiro na siya.

“Kasi tao lang, nagsimula ako 12 (years old), ang retirement age sa Amerika 55 ba? Doon pag nagsimula ka ng in your 20’s di ba? Ako 12 palang nagwo-work na, tapos 15 (years old), walang patumangga ‘yung mga puyat sa pelikula, dire-diretso may TV show pa, hindi ko nga alam paano ko nagawa ‘yun, tapos nagko-concert pa, tapos may weekly show na live, magso-shoot ka ng music video for the opening tapos may production numbers pa,” paliwanag ni Shawie.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Birong hirit naman ni Regine, “may lovelife pa ‘yun ha.”

Sagot naman ng Megastar, “oo sakit pa ng loob ang makukuha ko kapag na-unfaithful ako, kasama lahat ng heartaches at karamay ko lahat ang Sharonians at isang ipinagmamalaki ko at hindi ko malilimot na hindi nila ako iniwan.”

Pero nabanggit ni Sharon na kung kailan siya nagsabing magsemi-retire na ay saka naman niya nakitang punum-puno ang kalendaryo niya mula October to December 2019 hanggang 2020. Kaya nagsabi siya sa kanyang manager na kay Ms Sandra Chavez na magmi-meeting ulit sila dahil may gusto siyang ibawas. Nabanggit ding gagawa rin siya ng pelikula sa 2020.

At si Regine naman ay dine-dedma si Sharon kapag sinasabing magsemi-retire na siya.

Sabi ni Songbird, “hindi ko nga siya pinapansin, dinededma ko siya kasi baka mag-rally ako sa bahay nila kasama ang Sharonians. Hmmp, itong si Ate.

“But I totally understand because she’s been in the industry for a long time. You know when you come to this point of your life, you want to give your life naman to your family. Kasi ganu’n din ako, parang gusto mong mag-concentrate sa family.”

At isa sa dahilan kung bakit nabanggit din ni Sharon ang semi-retirement ay dahil iba na raw ang showbiz ngayon sa kinalakihan niya noon.

“Iba na ang meaning ng loyalty, iba na ang meaning ng friendship, iba na meaning ang maraming bagay, iba na ang pagpapatakbo, ang layu-layo sa kinalakihan ko na parang Pasko kapag may premiere night, mapi-feel mo sa air, mapi-feel ng fans mo, ngayon, parang ang dami-daming tao na hindi mon a kilala or hindi ka na kilala. Kasama na roon ‘yung disappointment na it’s not the same, kung baga I don’t want to be eaten up by showbiz. Ayokong kainin sistema and I’m proud to say na I’ve never been eaten by the system, my soul is so intact.”

Hirit ni Regine, “nakakalungkot, parang hindi mo ma-imagine ang industry na walang Sharon Cuneta.”

-Reggee Bonoan