PALABAS na sa mga sinehan nationwide ang Black Lipstick. Ito ang unang pelikula ni Kyline Alcantara.

Kyline

Si Kyline ang newest golden girl ng GMA-7, multi-talented kaya sabay-sabay ang assignments, at proven na dinudumog ng fans saan man mag-perform. Ito ang dahilan kaya siya ang paboritong kunin ng iba’t ibang malls na gustong hakutin ang young crowds.

Tiyak na ang drawing crowd din ni Kyline ang nagtulak sa Obra Cinema para bigyan ng launching movie ang young actress.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakita naman agad ang katunayan, dagsa ang sa celebrity screening ng Black Lipstick sa Trinoma cinemaplex ang napakaraming fans ni Kyline nitong nakaraang Martes.

Directed by Julius Ruslin Alfonso, highly relatable sa millennial fans ni Kyline ang pelikula dahil tungkol ito sa bullying, ang malakas na influence ngayon sa lipunan ng social media, at love story. Inspired ng 1980s hit na Blusang Itim ang Black Lipstick kaya sadyang isinasama sa cast si Snooky Serna. Co-stars din nila sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Kate Valdez.

Sa pelikulang ito huhusgahan ang napakaraming fans ni Kyline kung paying fans ba sila o mas gusto lang nilang nakikita sa personal nang libre ang idolo nila.

Kung paying fans din sila, tiyak na masusundan pa ng maraming pelikula ni Kyline ang Black Lipstick.

-DINDO M. BALARES