Tinalo ng Kaya-Iloilo ang Mendiola FC 1991, 5-1, sa Lipa City, Batangas, Miyerkules upang panatiliing buhay ang title campaign sa Philippines Football League.

Dahil sa four goals ni Ghanian striker Jordan Mintah, nasungkit ng Kaya ang maximum three points.

Noong nakaraang linggo lang, nag-scoreless draw ang Kaya at Mendiola.

May 47 points na ang Kaya, at 6 points na lang ang lamang ng nangungunang Ceres-Negros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit dahil apat na laro na lang ang natitira sa season, mahirap nang mahabol pa ng Kaya ang Ceres.

Ang asam ngayon ng Kaya ay ang pangalawang straight triumph sa Copa Paulino Alcantara na aarangkada sa Nobyembre.

Sa Binan Football Stadium, nilusutan ng Green Archers United ang Stallion Laguna, 1-0.

Ang winning goal ay galing kay Stephen Appiah sa 45th minute.

May 32 points ang Green Archers, at four points ang hahabulin sa Stallion.

-Jonas Terrado