LAGING masayang kausap si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Isa siya sa mga artistang isang tanong mo lamang, marami na siyang sagot. Kaya enjoy ang mga entertainment press at bloggers nang makausap siya after ng launch niya as the first celebrity endorser ng W Mall (Walter Mart) sa Macapagal Avenue, Pasay City last Tuesday, October 8.
Isa ngang tanong sa kanya ang pagbalik sa bansa ng asawang si Dingdong Dantes pagkatapos ng ilang araw na sumali sa Belgium Marathon na ginanap sa apat ng bansa at tumakbo sila ng more than 2k kilometres. Gusto ni Dingdong na isama sana sila, nina Zia at Ziggy, pero hindi siya pumayag dahil mahirap daw.
“Kaya nung malapit na siyang makarating sa finish line, nagpadala ako ng video message sa kanyang cellphone, parang nandoon na rin ako at nagwi-wish ng good luck sa kanyang panalo,” kuwento ni Marian. “Then pagdating niya, humingi siya agad ng date, kung may free time daw ako. Tamang-tama naman na may wedding kaming dapat puntahan, iyon na iyon.”
Nag-post nga si Dingdong ng photo nila after the wedding na wedding crasher daw sila. “That was a fun quick date. Mabuti na lang at ikinasal kayo, Direk Rember and Jeq. Pero seryoso, congratulationas! Napakaganda ng ceremony nyo kagabi. Next time na yung beer at hinahanap na kami ng mga chikiting.”
Post din ni Marian “hahaha, mag-aayos ako ng sked sa mas mahaba nating date.”
Anyways sa pagiging celebrity endorser ni Marian ng W Mart, apat ang dahilan ni Marian nang tanggapin niyang maging endorser.
“Nang sabihin ni Ateng (her manager Rams David) na kinukuha ako ng Walter Mart, niyaya ko siya na mag-shopping kami. Ayaw ko kasi iyong ie-endorse ko pero hindi naman pala karapat-dapat. Pero iyon nga, nakita ko na okey ang service nila, nalaman ko rin na pwede kang mag-order online na bawas hassle dahil idi-deliver na sa iyo ang gusto mong bilhin. Nakita ko ring kumpleto ang mga items nila at very affordable ang prices. Ang dami rin nilang sale items na makaka-save ka tuwing magsi-shopping.
“Kaya ako sa Christmas, isasama ko buong pamilya ko para mag-shopping. At tip ko sa mga nanay na tulad ko, bago kayo mag-shopping, gumawa na kayo ng list ng lahat ng bibilhin ninyo para dampot na lamang kayo nang dampot ng mga kailangan ninyo, bawas oras pa iyon.”
In-anncounce na rin ni Marian at ng may-ari ng W Mart na si Ms. Joann Co, na magbubukas na rin sila ng kanilang 30th branch sa buong Luzon, sa Balanga, Bataan.
Pagdating sa showbiz career ni Marian, tuloy pa rin na every Saturday napapanood siya as host ng OFW drama anthology na Tadhana at sa Sunday, October 13, babalik na siya sa noontime variety show na Sunday Pinasaya
-NORA V. CALDERON