Kinakiligan ng maraming netizens ang pagsasama nina dating “G-mik” stars Heart Evangelista at John Prats.
Sa isang Instagram post ni Heart kamakailan, ibinahagi niya ang video clip nila ni John na nag-uusap habang naglalakad sa kalsada.
“BFF thank you “OOMA” @johnprats,” saad ni Heart sa caption.
Nagkomento naman ng heart eyes emoji ang misis ni John na si Isable Oli-Prats na sinegundahan naman ni Heart ng mga puso at bituing emoji.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Waaaaaah "
"WAAAHHHHHH ANG PUSO KO "
"Because love has come my waaaay! "
"Anong next? Ang daming surpresa hehe ang bitin naman."
"Movie please "
"Kilig na kilig kami sa inyo "
"Ito talaga yung nagpakilig ng childhood ko"
"Na para bang ihahatid kita sa kanto kasi andun Papa ko sa bahay "
Matatandaang bago ito, nagkita na rin sina Heart at John noong Marso. Samantala, sa isang episode naman ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Abril, inamin ni Heart na si John umano ang kauna-unahan niyang pag-ibig.
Nagkasama sila noong early 2000s sa mga proyektong gaya ng "G-mik," "Berks," "Trip," "My First Romance," at iba pa.
Sa kasalukuyan, may kaniya-kaniya nang kapares sa buhay ang dalawa. May tatlong anak na si John sa misis niyang si Isabel habang si Heart naman ay kasal na kay Sen. Chiz Escudero.
Maki-Balita: Heart Evangelista, first love si John Prats