Target ng two-time defending champion Ateneo ang ika-9 straight na panalo sa UAAP season 82 men’s basketball sa laro nito laban sa Adamson University ngayon araw sa Smart Araneta Coliseum.

Ateneo coach Tab Baldwin, sasandal sa solid offense ng Blue Eagles. (Rio Deluvio)

Ateneo coach Tab Baldwin, sasandal sa solid offense ng Blue Eagles. (Rio Deluvio)

Sinabi ni Ateneo coach Tab Baldwin na inaasahan niyang hihigpitan ng Blue Eagles ang kanilang defense, gaya ng ginawa nila laban sa University of Santo Tomas noong nakaraang linggo.

Hindi pinaporma ng Ateneo ang mga shooter ng UST sa 66-52 victory nito.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“We need to continue to understand that there are more ways to attack our defense,” ani Baldwin. “And these coaches in our league are going to continue to probe and look for those ways. So there’s no time to rest, no time to look backward. Only to look forward to the next game.”

Muling sasandal ang Blue Eagles kina Thirdy Ravena at center na si Ange Kouame sa offense, at susuportahan sila nina SJ Belangel at Matt Nieto.

Ayaw naman maulit ng Adamson ang 70-52 na pagsadsad nito sa Ateneo noong opening day.

Babandera para sa Adamson sina Jerrick Ahanmisi at Val Chauca, kasama sina Lenda Douanga at Jerom Lastimosa.

Nais bumawi ang Adamson mula sa pagkatalo nito sa University of the East Warriors 80-74, noong Linggo, para maiangat ang 3-5 na win-loss record.

“Even if we’re marked men already, we still got to find a way to make our shots,” ayon kay Ahanmisi, na may average na 14 points a game.

Pipilitin naman ng Far Eastern University at UST na kumalas mula sa three-way tie sa third place.

Hangad ng Tamaraws na sungkitin ang second straight victory laban sa National University Bulldogs (1-7). Nais naman ng Growling Tigers na bumawi mula sa back-to-back na talo sa game nila laban sa UE Warriors (3-5).

Nakatali sa 4-4 ang FEU, UST at La Salle

-Kristel Satumbaga

Standings

Ateneo 8-0

UP 5-3

UST 4-4

FEU 4-4

La Salle 4-4

Adamson 3-5

UE 3-5

NU 1-7

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

10:30 a.m. – NU vs FEU

12:30 p.m. – UST vs UE

4 p.m. – Ateneo vs Adamson