WAGI bilang best actress ang Kapamilya actress na si Maja Salvador sa katatapos lamang na Asian Contents Awards 2019, na idinaos sa Busan, South Korea.

Maja

Kinilala si Maja sa pagganap niya bilang “Lily Cruz” at “Ivy Aguas” sa teleserye Wildflower.

“It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower,” pahayag ni Maja sa kanyang acceptance speech.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi rin nakalimutan ng aktres na pasalamantan ang ABS-CBN para sa tiwalang ibinigay sa kanya sa nasabing role.

“I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III,” continued the actress. Pagbabahagi ng aktres iniangat ng aktor ang kanyang “game” at “encouraged her when she thought she had nothing more to give.”

Inorganisa ang Asia Contents Awards, ng Busan International Film Festival at Asian Fil Market, na layong bigyan ng pagkilala ang pinakadekalibre TV drama na produced sa Asya.

-Gabriela Baron