NAKAGAWA na rin si Jeric Gonzales ng ilang movies at teleserye after niyang manalong grand winner ng second season ng reality show na Protege. Kaya ngayon, mas lalo raw marami siyang gustong matutunan at handa siya sa mga acting na ituturo sa kanya tulad nang sumali siya sa Anthony Bova acting workshop ng GMA Network, kasama ng ibang artista.
“Pero hindi ko pa rin nalilimutan ang turo sa akin ni Nanay Guy (Nora Aunor) na nakasama ko sa dalawang movies na ginawa namin, ang Dementia at Hustisya, sabi ni Jeric, habang hinihintay niya ang pagdating na ka-love team na si Klea Pineda para sa bago nilang teleserye, ang Magkaagaw. “Turo po kasi ni Nanay Guy, there is no method acting, kung ano ang nasa puso mo, iyon ang gawin mo, hindi ka mabibigo. Hindi ko po malilimutan ang acting niya using her eyes, grabe po ang mata niya.”
Pinansin din ang magandang katawan ni Jeric ngayon kaya biniro si Klea paano kung manligaw sa kanya si Jeric?
“Nakikilala ko na po siyang mabuti ngayon at sabi nga nila boyfriend material daw si Jeric,” natatawang sagot ni Klea. “Napaka-comfortable na po naming magkasama ni Jeric, pero pareho pa kaming focus sa work namin.”
Si Jeric, wala ba naman siyang nararamdaman kay Klea?
“Tulad po ng sabi ni Klea, focus muna kami sa work namin dahil mas mature na ang role na ginagampanan namin. Kaya po kumuha kami ng familiarity workshop dahil mag-asawa kami ni Klea sa story. Sa mga scenes, hindi ko nalilimutang tanungin si Klea kung okey ba ang ginawa ko, hindi ba awkward tingnan?”
Maganda rin ang sagot ng dalawa nang tanungin paano kung may kissing scene na sila dahil nga mag-asawa ang role nila?
“Noon ko pa nasabi na makikipag-kissing scene ako kapag sarili ko nang soap,” sagot ni Klea. “Since kami po ni Jeric ang magkatambal, siya rin ang first na naka-love scene ko.”
Pero kitang-kita naman kay Jeric kung paano niya alagaan si Klea during the interview. Inamin din niyang sa isang araw, ilang beses silang nagti-text ni Klea, nili-like ang mga posts nila sa social media, mas nagiging closer daw sila talaga ngayon. Minsan nga hindi man sila mag-usap kung ano ang isusuot nila, pag nagkita sila, magkapareho ang color ng suot nila, Nag-ienjoy rin daw sila sa mga mall shows na ginagawa nila like iyong huli niya, sa Iloilo na hindi raw nila in-expect ang napakagandang pagsalubong sa kanila roon ng mga fans nila. Kaya ngayon daw ay looking forward na sila sa mga susunod na mall shows nila to promote Magkaagaw.
-NORA V. CALDERON