NAGKAROON ng get together ang ilang dating miyembro ng sikat na TV variety show na That’s Entertainment, bilang pagdiriwang ng dapat sanang ika-86 na birthday ng kanilang mentor, na si German Moreno.

Former 'That's Entertainment' members

Sa Instagram, ibinahagi ng singer-actress na si Tina Paner ang ilang photos nila na kasama nina Patricia Javier, Assunta De Rossi, Ramon Christopher, Vina Morales, at Isko Moreno habang nagkakasiyahan.

Bukod naman sa birthday, ipinagdiwang din ng grupo ang belated victory party para sa pagwawagi ni Isko bilang Manila mayor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagbahagi rin ang singer ng isang video niya kasama sina Vina, Marilyn Villamayor, Jennifer Sevilla, at Melissa Silvano habang kumakanta at sumasayaw sa’80s hit, na Build Me Up Buttercup.

“Girls just want to have fun… Had a great time singing with you my sissys in That’s @vina_morales @marilyn_villamayor_g @jen_sevilla #melissasilvano #ThatsEntertainmentReunion2019,”mababasa sa caption.

Idinaos ang reunion ng mga dating miyembro sa isang restaurant na pag-aari ni Harlene Bautista, na isa ring “That’s Entertainment” alumna.

-Stephanie Marie Bernardino