YES, todo-hataw talaga ang teenstar na si Bamboo B. sa kanyang showbiz career mereseng matawag siyang ang Teen Boy na walang pahinga kasi halos lahat na yata ng acting workshops ay kanya nang sinalihan pati ilang indie films at ilang concerts.

This coming October 26 ay hahataw uli siya sa concert ng GuthBen Duo na gaganapin sa Trev’s Grill, Mandaluyong City. Magpi-pinsan ang GuthBenDuo performers at talagang gusto nilang isali sa kanilang concert si Bamboo hindi lang dahil sa good singing voice nito kundi maging sa pagsayaw.

Sobrang paghahanda naman ang ginawa ng Producer/ Manager nila na si Yhana Arellano sa nasabing nalalapit na concert.

Ang GuthBen Duo ay binubuo nina Guthrie Nikolao, Benedict Fragata with matching Dirick Ludwig on the side.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Grabe ang mga followers nila sa You Tube at sa kanilang You Tube channel ay puwede na silang mapanood, marinig ang kanilang mga awitin sa true lang.

Niwey, mabalik tayo kay Bamboo B. na hindi lang pala GuthBen Duo concert ang gagawin kundi meron din pala siyang naka-schedule na GForce Dance Concert sa November 10, 2019.

Well, go lang ng gowww, Bamboo B. at galingan mo ng husto ang iyong paghataw sa showbiz career para naman hindi masayang ang pagod, suporta at pagtiya-tiyaga sa iyo ng iyong Mommy Dearest na si Mommy Josie Paynor.

-MERCY LEJARDE