MAKASALO ng Columbian Dyip sa ikatlong puwesto ang kapwa tatangkain ng Meralco at defending champion Magnolia sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laro ngayon sa 2019 PBA Governors Cup sa MOA Arena.

Kasalukuyang nasa three-way tie sa ika-apat na puwesto ang Bolts at ang Hotshots taglay ang patas na barahang 1-1 kasama ng Barangay Ginebra.

Unang sasalang ang Bolts kontra sa nasa buntot ngayong Alaska na hindi pa nagwawagi matapos ang tatlong laro ganap na 4:30 ng hapon kasunod ang Hotshots na sasagupain naman ang Rain or Shine ganap na 7:00 ng gabi.

Magtatangka ang Meralco na makabawi sa nalasap na 99-105 na kabiguang natamo sa NLEX sa ikalawa nilang laro noong Setyembre 27 habang hangad naman ng Hotshots ng back-to-back wins kasunod ng naitalang 96-80 panalo kontra Northport sa parehas ding petsa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 n.h. -- Meralco vs Alaska

7:00 n.g. -- Magnolia vs Rain or

Shine