Sinabi mismo ni Maine Mendoza sa grand mediacon ng pelikula nila ni Carlo Aquino na pinamagatang Isa Pa With Feelings na may fans sila ni Alden Richards (AlDubs) na ‘di tanggap ang pakikipagtambal nila sa ibang artista. As in may yelling factor siguro at gusto lang talaga nila na si Alden ay talagang para kay Maine at si Maine ay talagang para lang kay Alden.

maine-carlo

Yun daw, o!

“Parang given naman po na meron talagang group of people from the fandom na hindi matutuwa sa bagong pairing. Pero nandito na ito, eh. Parte talaga siya ng showbiz na hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang din ang makakatrabaho mo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ang feeling ko eventually ay maiintindihan din nila na it’s the chance of the artist to grow and to explore,” paliwanag ni Maine habang katabi sa upuan ang kanyang bagong ka-tandem na si Carlo Aquino na sa tingin namin ay tipong bagay rin naman sila in pernes.

“Ang makapagbigay ng magandang pelikula ang hangarin namin ni Carlo at ni direk Prime Cruz at ng iba pang mga nakasama namin sa movie,” Maine even added when asked kung kaya ba nilang talbugan ang kinita ng Hello Love Goodbye ni former (former na nga lang ba now?) loveteam niya na si Alden at Kathryn Bernardo.

And take note, sa nasabing mediacon ay inamin din nitong si Menggay na crush niya si Carlo Aquino nang mapanood niya ito sa pelikulang Meet Me In St. Gallen.

“Siya po talaga ang gusto kong maging leading man. Kasi noong napanood ko ‘yung movie nila ni Bela (Padilla) ‘yung Meet Me In St. Gallen, talagang ‘yung admiration ko doon sa character niya na Jessie, ewan ko noong napanood ko siya parang nagging crush ko siya ng slight,” Lahad pa niya with matching broadway smile sabay nakipag-eye-to-eye sa katabi niyang si Carlo A.

A as in Aquino, ha, at hindi Atayde. Boom, yun na!

-MERCY LEJARDE