‘Showtime Sampu Sample’ ang titulo ng bagong poster ngayon ng programang It’s Showtime dahil nagdiriwang na sila ng kanilang 10th anniversary na unang umere noong Oktubre 24, 2009.
Magsisimula ngayong Oktubre ang sampung sorpresa na inihanda para sa Sampu Sample celebration na iniimbitahan ang madlang people na sumama hindi lang sa pakikisaya kundi para rin sa pagtulong sa kapwa at pagmamalasakit sa kalikasan.
Una na sa mga sorpresa ang tapatan ng hosts sa taunang ‘Magpasikat’ competition ngayong buwan. Iba’t ibang pangmalakasang gimik ang handog ng hosts sa kanilang pagkakagrupo-grupo.
Ang magkakasama ay sina Anne Curtis, Amy Perez, at ‘Bidaman’ Top 6; Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ate Girl Jackie, Ion, at Stephen ang grupo; Ang love-hate relationship na sina Karylle at Ryan Bang ang partner kasama ang GT (Girltrends); si Vhong Navarro with Marielle Rodriguez at Hashtags; at kasama naman ni Vice Ganda ang ‘Miss Q & A’ Top 3 queens ng dalawang seasons.
Sa bawat ‘Magpasikat’ performance ng bawat grupo ng hosts, kailangang magkaroon ng sampung dosena o 120 madlang people, mga ordinaryong tao at hindi celebrities para mabigyan ng pagkakataong kuminang at magpasikat.
Sa loob ng sampung taon ay maraming sumikat sa mga kumpetisyong hatid ng Showtime tulad ng XB GenSan at muli ring ilulunsad ang segments kung saan unang nakilala ang world-class champions gaya ng El Gamma Penumbra, Fourth Impact, Rachel Gabreza, at TNT Boys pati na ang Kapamilya stars na sina Onyok Pineda, Chunsa Jeung, Esang De Torres, GT, Hashtags, at ang bagong Darna na si Jane De Leon.
Sa darating na mga buwan, maaasahan din ng madlang people ang pagbabahagi ng programa ng mas marami pang biyaya, pagdoble ng kagigiliwan sa ‘Mr. Q & A’ at ‘KapareWho’, ang pagbabalik ng ‘Tawag ng Tanghalan’ at ang pagbisita ng buong pamilya ng It’s Showtime sa mga lugar sa loob at labas ng bansa.
Samahan ang buong pamilya ng It’s Showtime sa isang taong selebrasyon ng ikasampung anniversary nito simula ngayong Oktubre at panoorin ang programa sa tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.
-Reggee Bonoan