NASIGURO ng University of Santo Tomas at De La Salle ang bentaheng ‘twice-to-beat’ sa women’s Final Four matapos hilahin ang winning run sa anim na panalo nitong Linggo sa UAAP Season 82 beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay.

Naitala ninaTigresses Babylove Barbon at Gen Eslapor ang matikas na straight set win ngayong season nang gapiin ang tambalan nina Lyen Ritual at Juliet Catindig ng University of the East, 21-12, 21-11.

Tulad nila, imakulada rin ang Lady Spikers na sina Tin Tiamzon at Justine Jazareno nang daigin sina Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal ng Ateneo, 21-15, 21-19.

Pag-aagawan ng defending champion UST at De La Salle ang ranking sa kanilang inaabangang pagtutuos sa final elimination matchday sa Miyerkoles ganap na 10:40 ng umaga. Ang duwelo ay rematch sa nakalipas na championship match.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Taliwas sa nakasanayan na awtomatikong kampeon ang makapagtala ng 7-0 sweep sa elimination, bibigyan ng ‘twice-to-beat’ na bentahe ang mangungunang dalawang koponan sa Finals Four.