SIMULA ngayong Lunes (September 30) ay mapapanuod na ang first primetime series nina Ken Chan at Rita Daniela na mas kilala bilang RitKen dahil maglalayag na sa GMA Telebabad ang One of the Baes.

RITA AT KEN

Ang pagiging kapitan ng isang barko ay hindi lang para sa kalalakihan, kaya rin itong gawin ng mga kababaihan! Dito iikot ang kuwento ng latest rom-com series ng Kapuso Network na itinuturing na isang “millennial fairytale.”

Handang gawin ni Jowalyn (Rita Daniela) ang lahat upang matupad ang pangarap niyang maging isang kapitan ng barko. Pati na ang love life ay handa niyang isakripisyo sa pag-abot nito.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Ang hopeless romantic naman na si Grant (Ken Chan) ay naniniwalang makikilala na niyang muli ang kanyang childhood sweetheart sa tulong na rin ng kanyang pagba-vlog.

Ano kaya ang mangyayari kapag nagtagpo ang isang Jowalyn na walang ibang inisip kundi ang katuparan ng kanyang pangarap at ang isang Grant na ang tanging hangad ay makahanap ng tunay na pag-ibig?

Tampok din sa seryeng tiyak na maghahatid ng kilig at tuwa para sa buong pamilya ang mga batikang aktor na sina Roderick Paulate, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Melanie Marquez, at Jestoni Alarcon. Kasama rin sa pagpapasaya sina Maureen Larrazabal, Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, at Joyce Ching, pati na ang barkada nina Archie Alemania, Buboy Villar, Kenneth Medrano, at James Teng.

Mapapanuod din dito ang real-life maritime students ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP).

Mula sa GMA News and Public Affairs team na pinangunahan nina Senior AVP Neil Gumban at Program Managers Joni Mosatalla at Joseph Conrad Rubio, ang One of the Baes ay sa ilalim ng direksyon nina King Marc Baco at Michael Christian Cardoz. Ang teleseryeng ito ay iniaalay sa mga Pilipinong seafarer.

Huwag palampasin ang One of the Baes, maglalayag na sa GMA Telebabad simula ngayong Lunes, September 30.

-Mercy Lejarde