Usap-usapan ng mga netizen ang latest post ng Kapuso actress na si Klea Pineda matapos niyang ipakita ang pagbuhat niya sa rumored partner na si Kapamilya actress Janella Salvador.
Sa nabanggit na video, makikitang tila "pabebe" pa si Janella kay Klea, at maya-maya, makikitang binuhat na siya nito.
"Gusto pa binubuhat eh," ani Klea sa sa post.
Marami naman sa mga netizen ang kinilig sa lambingan nila.
"Sana all kaya buhatin Ako Kase Hindi kaya Kase 'PABIGAT' HAHAHAHHAA."
"Ngingiti na lang muna tayo sa relasyon ng iba..."
"Ay ang lakas naman ,, kayang kaya ,, parang ang gaan ni janella."
"Wow ... sweetie....talagang Buhat na Buhat ni Klea ah....Good luck to both of you and ingat kayo dalawa."
"Daming bashers! hahahhaha fave artist ko Janella, and i respect her choice.. hindi pinipilit ang love kung san ka tunay na masaya dun ka.. Move on na kayo, masaya naman na pareho.."
"Wag nyo pansinin mga bashers inggit lang sila"
Sa kabilang banda, parang hindi pa maka-move on ang bashers sa kung anuman ang espesyal na pagtitinginan ng dalawa, at inihahambing pa sila sa dalawang ex-girlfriends ni Klea na magkarelasyon na ngayon.
Ang tinutukoy ng mga netizen ay sina Katrice Kierulf at Chezka Carandang, na pawang mga naging karelasyon ni Klea.
"mas malinis at masaya tignan yung kabila"
"pero mas happy ung ex mo sa iba. Mas cute sila tingnan"
"Mas Masaya Ang ex mo ngayun mas cute Silang tingnan mas lalo syang gumanda."
"Kahit Anong gawin mas lamang ang Kabilang lovers at mas classy sila cc kk."
"mas genuine ung sa kabila, ito halatang pilit. Artista nga tlga."
"Ok sila at sweet sa isat isa.pero....mas gusto ko yong kabila.."
Nagsimulang maging malapit sa isa't isa sina Klea at Janella noong kalagitnaan ng 2025 habang ginagawa nila ang pelikulang "Open Endings" para sa Cinemalaya Film Festival.
Simula noon, hindi na nahinto ang sightings sa kanilang dalawa. Hindi naman direktang sinasagot ng dalawa kung talaga bang sila na, pero nang minsang ma-ambush interview sila ng media, sinabi nilang "what you see is what you get."
Maki-Balita: Klea Pineda, Janella Salvador, naglingkisan sa dalawang litrato; suportado ng netizens?-Balita
Maki-Balita: 'Favorite passenger daw!' Klea, Janella nag-quick trip sa mga ulap-Balita