July 21, 2026

Home BALITA Probinsya

PBBM, personal na nagtungo sa Sarangani matapos ang Mindanao earthquake

PBBM, personal na nagtungo sa Sarangani matapos ang Mindanao earthquake
Photo courtesy: PCO


Pinuntahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga residente at lugar na lubos na naapektuhan ng magnitude 7.8 lindol sa Sarangani at iba pang lalawigan sa Mindanao.

Matatandaang yumanig sa iba’t ibang probinsya ng Mindanao ang malagim na lindol noong Lunes, Hunyo 8.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Hunyo 15, kinumusta ng Pangulo ang mga pamilyang naapektuhan ng nasabing pagyanig.

Anang PCO, nagbigay din si PBBM ng ₱20 milyong Socio-Civic Project Fund (SCPF) assistance, gayundin ang isang Starlink unit para sa mas malakas na komunikasyon.

Binisita rin ng Pangulo ang Sarangani Provincial Hospital upang tingnan ang kalagayan ng naturang gusali, at pati na rin ang mga pasyente doon.

Pinangunahan din niya ang pamamahagi ng dalawang Patient Transport Vehicles (PTVs) para sa probinsya ng Sarangani—na layong paigtingin ang serbisyong pang-medikal ng lalawigan.

Samantala, batay sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD), pumalo na sa 65 ang naitalang nasawi bunsod ng nasabing pagyanig. 

MAKI-BALITA: Death toll ng Mindanao earthquake, sumampa na sa 65!-Balita

Matapos ang pagbisita ni PBBM sa mga apektadong lugar ng lindol, nakatakda naman siyang lumipad patungong Russia, sa darating na Miyerkules, Hunyo 17 hanggang Huwebes, Hunyo 18, para daluhan ang isang commemorative summit sa pagitan ng nasabing bansa at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Magaganap din ang isang bilateral meeting sa pagitan naman ni PBBM at ni Russian President Vladimir Putin.

MAKI-BALITA: PBBM, Russian Pres. Vladimir Putin magkakasa ng isang bilateral meeting