Pumalo na sa 65 ang napaulat na nasawi matapos yanigin ng magnitude 7.8 lindol ang lalawigan ng Sarangani at karatig-probinsya nito noong Lunes, Hunyo 8, batay sa inilabas na tala ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon pa sa ulat ng OCD nitong Lunes, Hunyo 15, umabot na rin sa 1,447 ang mga nasugatan, habang 36 naman ang nawawala.
Sa hiwalay namang impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang 6,058 aftershocks—sakto isang linggo matapos ang naturang paglindol.
Nasa pagitan ng 1.2 hanggang 6.4 ang magnitude ng mga naitalang aftershocks.
Patuloy na isinasagawa ng awtoridad ang mga operasyon at pamamahagi ng tulong para sa mga naapektuhang residente.
Base naman sa huling talaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Linggo, Hunyo 14, umabot sa 724,000 indibidwal o 173,000 na pamilya ang naperwisyo at naapektuhan ng pagyanig mula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Sumampa na rin sa ₱1 bilyon ang iniwang pinsala ng lindol.
MAKI-BALITA: Mga nasawi sa Sarangani earthquake, pumalo na sa 61!-Balita
Photo courtesy: via MB