Umakyat na sa 61 ang death toll ng yumanig na magnitude 7.8 lindol sa Mindanao as of 6:00 am nitong Linggo, Hunyo 14, batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Base pa sa inilatag nilang impormasyon, pumalo na rin sa 1,403 ang na-injure mula sa kagimbal-gimbal na lindol, habang 40 naman ang nawawala pa.
Ayon na rin sa parehong ulat, humigit-kumulang ₱1 bilyon na ang naitalang damages ng naturang pagyanig—resulta ng aabot sa 725 imprastrakturang naapektuhan ng lindol.
Anang NDRMMC, 724,000 indibidwal o 173,000 na pamilya ang naperwisyo at naapektuhan ng pagyanig mula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Samantala, naipaabot naman na para sa mga naapektuhang pamilya ang tulong na aabot sa ₱67.6 milyon, kabilang na ang ilang relief goods at supplies.