Kinumpirma ni Ateneo de Manila University President Fr. Roberto C. Yap SJ ang pagre-resign ng Head Coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin kaugnay sa naganap na insidente ng pagkalunod ng dalawa nilang student athlete na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Matatandaang minandato ng Board of Trustees ng ADMU noong Hunyo 11, 2026, na magsagawa ng fact-finding inquiry sa lahat ng naging kaganapan sa naturang insidente ng pagkamatay ng kanilang mga manlalaro.
KAUGNAY NA BALITA: ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!
Sa naging pahayag ni Fr. Roberto sa isinagawa nilang press conference nitong Lunes, Hunyo 15, inanunsyo niya ang opisyal na pag-alis ni Tab bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles.
“We thank him for the years of service for the Blue Eagles,” pagsisimula niya.
Ani Fr. Roberto, higit na kailangan daw ng ADMU ang magpalit ng namumuno sa Ateneo Blue Eagles bilang pagpapakita ng integridad para sa kanilang mga programa sa sports at pagsusulong ng mga safety protocols.
“But as we appear on the institutional review, change in leadership is necessary to ensure a full integrity of our sports program and safety protocols covering them,” aniya.
Pagpapatuloy ni Fr. Roberto, isusulong daw nila ang Ateneo de Manila University bilang lugar kung saan binubuo ng mga mag-aaral at atleta ang kanilang mga pangarap at hindi ito nasisira o nauunsyami.
“We must look inward, examine our systems, and rebuild a structure for athletic programs so that our fields and playing… places where dreams are nurtured [and] not broken,” pagtatapos niya.
Matatandaang hindi sinipot nina Tab at tatlo pa niyang kasama sa top management ng Ateneo Men’s Basketball Team si Department of the Interior and Local Governmen (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) umaga nitong Lunes, Hunyo 15.
Muli umanong padadalhan ng subpoena ng awtoridad ang mga miyembro ng top management ng Ateneo Men’s Basketball Team at aasahan daw nilang magpapakita ang mga ito sa darating na Biyernes, Hunyo 19, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'Karapatan naman nila 'yan!' SILG Remulla, dinedma ng top management ng Ateneo?
KAUGNAY NA BALITA: 'Fact-finding ‘di fault-finding?' SILG Remulla, haharapin sa CIDG top management ng Ateneo!