Makikipagkita si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa top management ng Ateneo Men’s Basketball Team kasama si Head Coach Tab Baldwin sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa naging pahayag ni Remulla sa panayam sa kaniya ng media nitong Lunes, Hunyo 15, 2026, sinabi niyang nakatakda raw dumating sa CIDG ang mga kawani ng koponan ng Ateneo de Manila University sa pangunguna ni Coach Tab.
“Today we subpoenaed the top management of Ateneo Men’s Basketball Team headed by Coach Tab Baldwin,” pagsisimula niya.
Ani Remulla, “fact-finding exercise” naman daw ang layunin nilang ikasa sa naganap na insidente ng pagkalunod ng dalawang player ng Ateneo Blue Eagles na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili sa Dipaculao, Aurora, noong hapon ng Hunyo 8, 2026.
“Last week the events unfolded mostly was a fault-finding exercise. Today is a fact-finding exercise,” aniya.
Diin pa niya, “We are not here to arrest, we are not here to charge, but merely to gather the facts.”
Pagpapatuloy ni Remulla, kukunin lang daw nila ang mga impormasyon tungkol sa mga nangyari, sino ang nagpayag sa team building ng naturang koponan, mga nag-utos, at paano nakapunta ang mga ito sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
“Kukunin lang namin talaga kung ano ‘yong nangyari, kung sino nag-authorize, kung paano sila pumunta, kung sinong nag-order, lahat ‘yon kukunin namin,” saad niya.
“I repeat, it is a fact-finding mission. Hindi siya fault-finding. So we will give [the] results later on in due time once we investigate everyone, pagtatapos pa niya.
Matatandaang naglabas na ng video statement si Coach Tab noong gabi ng Biyernes, Hunyo 12, 2026, at humingi siya ng tawad sa naging pagkasawi nina Baterbonia at Adili.
“As a coach, we are entrusted with the growth of our basketball players, the development of these young men into future professionals, but mostly, as a coach, I'm entrusted by you, the parents and the families, with first and foremost, their well-being. And in this, I feel I've failed. And I'm sorry. To the depth of my being, I'm sorry,” ani Tab.
KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Torreon, 'di pinapasok sa burol ni Rene Baterbonia: 'Nakakahiya'