July 25, 2026

Home BALITA

Babaeng nag-bungee jump ng 130ft, patay matapos ihagis kahit walang safety gear!

Babaeng nag-bungee jump ng 130ft, patay matapos ihagis kahit walang safety gear!
Photo courtesy: via Google Maps

Dead on the spot ang isang 21 taong gulang na babae matapos siyang ihagis sa ere nang subukan niyang mag-bungee jump, habang hindi pa nakalagay ang safety gears niya.

Nangyari ang insidente sa tinaguriang "Skeleton Bridge" sa bayan ng Limiera, São Paulo, Brazil noong Sabado, Hunyo 13.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mismong ang biktima pa raw ang bumili ng ticket para sa bungee jumpee. Kasama sa ticket ang tour guide mula sa isang pribadong kompanya, ang mismong rope jump at tatlong staff na mismong naghagis sa biktima.

Mapapanood din umano ang insidente mula sa video recording sana ng mismong fiancée ng biktima na noo'y susuporta sana sa kaniyang bungee jump activity.

Sinasabing nasa taas na 130 feet ang kinabagsakan ng biktima matapos umano siyang malimutang kabitan ng safety rope upang hindi siya tuluyang malaglag.

Grupo ng mga scientist, inalmahan ang Pax Silica

Nahagip din sa video ang pagsigaw ng ilang saksi na pawang mga nakapansin na hindi pa nakakabit ang safety rope sa biktima ngunit tuluyan na siyang naihagis ng nasabing tatlong staff mula sa kompanyang pinagbilhan nila ng ticket.

Bunsod ng nangyaring insiente, sinasabing hindi umano kinaya ng fiancée ng biktima ang sinapit niya kung kaya't agad itong nawalan ng malay at kinakilangang isugod sa ospital at nasa maayos nang kalagayan.

Samantala, isang police helicopter ang agad namang nagtungo upang subukang i-rescue ang biktima ngunit kumpirmadong dead on the spot na siya mula sa insidente.

Anim na katao ang agad na inimbestigahan ng mga awtoridad subalit tatlo lamang sa kanila ang tuluyang inaresto.

Nahaharap sila sa kasong homicide with implied malice, isnag reklamong inihahatol sa isang akusado kapag napatunayang sinadya niya ang aksidente laban sa biktima.

Depensa naman kampo ng tatlong suspek, aksidente umano ang nangyari at pawang mga eksperto sa bungee jumping ang kaniyang mga kliyente.

Nakatakda namang magsampa ng reklamo ang Limiera City Council laban sa Brazilian Federal Government dahil sa kakulangan umano nitong siguruhin ang seguridad sa mga abandonadong tulay at lupain, katulad ng pinangyarihan ng aksidente.