YESSS, nagkalat ang baklitas sa premiere night ng first movie ni Super Tekla na Kiko En Lala nito lang nakaraang Martes ng gabi sa Cinema 2 ng SM Megamall. May pa-contest kasi na dapat ang ayos at anyo ay ka-fezlak ni Super Tekla.

Super Tekla Kiko en Lala

Ang gugulo ng mga baklitas. Paikot-ikot ang kanilang drama sa red carpet ng Cinema 2. Isa lang ang napansin naming kamukhang-kamukha ni Super Tekla pati ayos ng buhok, pananamit at pang-iismid ng fezlak at siya ata ang winner as Super Tekla look-alike na hindi namin nakuha ang name kasi nga ang ingay-ingay sa nasabing venue that night.

Bukod kay Super Tekla ay pinagkaguluhan rin ang mga dumalong co-stars niya sa sa movie na sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Clint Bondad, Jo Berry at iba pa. Absent si Ai Ai delas Alas na ang role sa movie ay taga-sundo ng mama-matay at kung sino kina Kiko En Lala ang kanyang sinusundo ay panoorin nyo na lang ang nasabing laugh trip movie sa true lang.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Bentang-benta ang mga kalokahan at batuhan ng punchlines ng kambal-tukong karakter ni Tekla na sina Kiko at Lala. Kering-keri niya ang gumanap bilang astig na lalaki at maharot at talakerang girlalu.Super laugh trip at diring-diri ang mga manonood sa lambingan at landian nina Tekla at Derrick pati na sa magdyowa moments nina Tekla at Kim Domingo.

Sa movie kasi ay tipong syota ni Tekla as Kiko si Derrick Monasterio at si Tekla as Lala ay tipong syota naman ni Kim Domingo pero tipong may lihim na ugnayan sina Derrick at Kim, kalokah talaga!

Ang mga baklitas naman na nanood that night at pati yung mga sumali sa look-alike contest ni Super Tekla ay tilian ng tilian tuwing lumalabas si Derrick Monasterio sa big screen na kitang-kita ang abs at kagandang ng wankatitat nito at siyempre ang pogi nitong fezlak.

Ewan naman kung may mga tomboyitas na nanood that night at na-elya-elya sa kaseksihan at kagandahan ng fez ni Kim Domingo. In fairness, oozing with sex appeal ang nasabing Kapuso star, ha.

Bongga rin ang mga hiritan nina Divine Tetay at Jo Berry na gumaganap na mga kontrabida sa kuwento. Laugh trip ang audience kapag “sinasaniban” na siya ng character na mala-Kris Aquino ang arrived.

Ang Kiko en Lala ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., under Backyard Productions at showing na ngayon sa mga sinehan nationwide.

-Mercy Lejarde