TARGET ng Talk ‘N Text at Ginebra na masungkit ang ikalawang panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2019 PBA Governors Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Maunang sasalang ang Katropa kontra Rain or Shine ganap na 4:30 ng hapon at susunod ang Gin Kings laban sa Phoenix Pulse ganap na 6:45 ng gabi.

Sa pamumuno ng kanilang eksplosibong import na si KJ McDaniels na nagposte ng 41 puntos, 22 rebounds, 7 assists at 5 blocks, pinasadsad ng TNT ang Blackwater sa una nilang laro nitong Miyerkules, 137-105.

Galing din sa panalo ang Rain or Shine kontra Columbian, 96-90.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Muling sasandigan ng Elasto Painters ang import na si Joel Wright para sa target nilang back-to-back win.

Sa tampok na laban, ikalawang dikit ding panalo ang target ng Kings sa pagsagupa sa wala pang panalong Phoenix Pulse.

Sa panig ng Fuel Masters, magkukumahog itong makabawi sa natamong dalawang sunod na pagkatalo, inaasahan ni coach Louie Alas na mag-step-up sa kanilang laro ang kanilang mga locals bilang suporta sa import nilang si Eugene Phelps.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Rain or Shine vs TNT

6:45 n.g. -- Phoenix Pulse vs Ginebra