ANG memorable na hindi makakalimutan ni Angel Locsin sa The General’s Daughter ay ang kabuuan ng teleserye dahil mami-miss niya ang buong cast na pamilya ang turingan nila sa isa’t isa.

Angel Locsin and Paulo Avelino

Pero may isang eksena silang ginawa na hindi niya makakalimutan dahil lumilindol na ay hindi man lang natakot ang mga ka-eksena niya.

“’It’s an all-star cast sa sementeryo tapos nakatututok lahat ang baril, heavy kasi tinatanong ko si Tiago (Tirso Cruz lll) kung totoong anak niya ako. Ang tagal ng mga eksena, parang babarilin ko na dapat si Tiago kasi nalaman ko na hindi ako totoong anak niya, e, lumindol at nasa ilalim kami ng puno na ang laki-laki at lumang puno (anumang oras puwedeng mabuwal).

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

“Umaalog na ‘yung sahig tapos ‘yung mga ka-eksena ko, sobrang pro (professional) ayaw umalis sa puwesto nila lumilindol na, ako kailangan kong bumitaw hinatak ko na si Tito Pip, sabi ko, ‘tito Pip halika na, mamaya na po mag-eksena. Iligtas muna natin ang mga sarili natin. Ganu’n sila ka-pro kahit mamatay na po kami sa eksena tuloy pa rin.

“Saka ‘yung sa isla po, may eksena ro’n na nagkakarera kami ng bangka, ang sabi sa amin ni direk Manny (Palo), bahala na kayo kung sino ang mananalo. Parang kumpetisyon talaga.

“E, competitive kami ni Arjo, so nangyari po nakapalubog po kami ng isang balsa na kalaban namin, muntikan na po silang malunod. Nanalo po kami.

“Sa script dapat manalo kami, pero hindi namin alam kung paano kasi sasagwan ka tapos may current pa, e, kailangan naming gawin ng one-take kaya sineryoso po namin at kung alam n’yo lang ang nangyari behind the scenes, ha, ha, ha,” mahabang kuwento ng aktres.

Isinama rin niya ang eksenang nagbabarilan sila ni Albert Martinez, ‘yung unang fight scene nila ni Paulo Avelino at interrogation scene nila ni JC nu’ng nalamang espiya pala si Rhian at sinabihan niya si Ethan na hindi na niya mahal ang binata.

“Husay, napaka-husay na artista!” ito naman ang sabi ni Angel kay Janice de Belen bilang kontrabida. Kasi pinapanood ko ang nuisances at pagkatapos ng eksena sinasabi ko, ‘feel na feel mong kontrabida ka no? (sabay tawa nilang dalawa).”

Samantala, tinanong ang aktres kung anong susunod niyang proyekto sa ABS-CBN dahil base sa ipinakitang tagumpay ng The General’s Daughter ay mahirap na itong sundan.

“Meron po akong 4 pending movies sa Star Cinema na kailangan kong gawin bago po matapos ang contract ko, ayoko munang pag-usapan kasi hangga’t wala pa sa harap mo, hindi pa talaga tuloy.

“Ang pinagko-concentrate ko ngayon after the General’s Daughter, ayusin ko muna ang health ko ulit sa dinami ng binagsak ko (sa eksena), papagaling po ulit ako and ayusin ko po ‘yung kasal ko.

“I think ‘yun ang mas malaking challenge, mahirap na challenge sa akin po kaya good luck na lang po talaga sa akin,” masayang sabi ni Angel, soon to be Mrs. Arce.

-Reggee Bonoan