Kinaaliwan ng mga netizen ang social media update ng social media personality na si Zeinab Harake, kung bakit siya walang nailabas na vlog nang halos isang buwan.
Sa post ni Zeinab noong Miyerkules, Hulyo 1, sinabi niyang may pinagkakaabalahan kasi siya kaya hindi na nakapag-vlog.
"Isang buwan akong walang vlog nung karaan busy akong gumagawa ng bata HAHAHAHAHA Kaya mamaya surprise bibigyan ko kayo ng movie," aniya.
"Make sure madami kayong time kasi mahaba to," pahabol pa ni Zeinab.
Photo courtesy: Screenshot from Zeinab Harake (FB)
Marami naman sa mga netizen sa comment section ang nagbigay ng kaniyang espekulasyong baka nagdadalantao na siya sa panganay nila ng mister na si Filipino-American Gilas Pilipinas basketball player Bobby Ray Parks, Jr.
"Zeinab Harake kung sakali man isa kana sa maswerteng buntis ngayon dahil may daddy ray kana."
"buntis to c ate Z"
"buntis to hula ko"
"gusto ko na makita breeding nyo hahahhahahahhahahahhahaha"
"Buntis ka mi hula ko"
"Kala ko naman bigyan mo na kami ng Bata na ginawa mo"
Samantala, ang tinutukoy na "movie" ni Zeinab ay ang vlog nila ng first year wedding anniversary nila ni Ray Parks sa Greece.
Matatandaang ikinasal sa Tagaytay sina Zeinab at Ray Parks noong Hunyo 1, 2025.
Hindi naman nagkomento si Zeinab kung buntis na nga ba siya.