NAKATAKDANG mag-guest ang Filipino-American actor na si Jacob Batalon, ang gumaganap bilang best friend ni Peter Parker sa latest Spider Man movie, sa ika-24 anibersaryo ng comedy show na Bubble Gang.

Micheal V, mga anak at Jacob

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Comedian star Michael V ang larawan niya at ng kanyang mga anak kasama si Jacob, gayundin ang photo ng isang Spider Man item na may signature ng Hollywood actor nitong Sunday, September 22.

“I think I know why Marvel hired Jacob Batalon to play Ned Leeds in Spider Man. The character requires a “nice guy” which is what Jacob is on and off cam,” caption ni Bitoy.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

“Abangan si Jacob sa 24th Anniversary ng #BubbleGang! Abangan din kung bakit naging “Need” ang pangalan ng character n’ya,” anunsiyo pa ng aktor.

Ginagampanan ni Jacob ang karakter na Ned Leeds, best friend ni Peter Parker para sa Spider Man: Far From Home, na nakatakdang ipalabas sa Hunyo 26.

Nitong September 20, dumating sa bansa si Jacob bilang bahagi ng kanyang promotional tour para sa Spider Man film, kung saan din siya nagbahagi ng ilang larawan sa Instagram.

“The final leg of this amazing Asia tour, and it was the motherland! Salamat!! Next time I’ll find the time to stay longer and do more. Until next time PI @spidermanmovie #jacobhasbeenveryfarfromhome,”ani Jacob.

-Richa Noriega