Muling binakbakan ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela si Sen. Robin Padilla matapos siya nitong paratangan na nagpasimula umano ng war propaganda sa pagitan ng Pilipinas at China.
Kaugnay ito sa ginawang kontrobersyal na video ng China na nagpapakita ng pagiging unggoy umano ng mga Pilipino.
"Mr. Tarriela, it was you who drew first blood. This escalation into wartime propaganda was your genius creation. As for the Chinese media, aren't we all monkeys of different colors in the eyes of white colonizers/supremacists? Filipinos are brown, and Chinese and Japanese are yellow," anang seandor sa isang Facebook post.
Ngunit ayon kay Tarriela sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 19, tila hindi umano siya nauunawaan ni Padilla kahit Tinagalog na niya ang kaniyang pahayag.
“Senator Robin Padilla,” saad ng PCG spox, “mukhang kahit tinagalog ko na po ay hindi pa rin ninyo naintindihan.”
“Kaya uulitin ko: ang racist na video ay gawa ng China, at walang kinalaman dito ang mga ‘puti’ na sinasabi ninyo. Ang dapat nating kondenahin ay ang China, dahil ang China ang gumawa at nagpakalat ng racist na video na ito,” dugtong pa niya.
Sa huli, iginiit ni Tarriela na hindi raw siya ang kalaban dahil pareho lang silang Pilipino.
Aniya, “Hindi po tayo unggoy at hindi po ako ang kalaban dito dahil pareho po tayong Pilipino.”
Matatandaang ibinahagi ng China Daily’s publication sa kanilang Facebook page noong Hulyo 10, ang naturang AI-generated nilang video kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan.
Maki-Balita: ‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!
Bukod kay Tarriela, inalmahan din ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mapangutyang video ng China.
KAUGNAY NA BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!