July 27, 2026

Home BALITA National

‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!

‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!
Photo courtesy: MB File photo

Pinalagan ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Jay Tarriela ang paninisi sa kaniya ni Sen. Robin Padilla hinggil sa ginawang kontrobersyal na video ng China na nagpapakita umano ng pagiging unggoy ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ni-reshare ni Tarriela ang naunang FB post ni Padilla idinidiin siya na nagpalala ng umano'y war propaganda sa pagitan ng Pilipinas at China.

"Mr. Tarriela, it was you who drew first blood. This escalation into wartime propaganda was your genius creation. As for the Chinese media, aren't we all monkeys of different colors in the eyes of white colonizers/supremacists? Filipinos are brown, and Chinese and Japanese are yellow," ani Padilla sa FB post.

Bunsod nito, tahasang binigyang-diin ni Tarriela na hindi raw propaganda ang ginagawa nila at bagkus ay pawang idinodukumento lamang nila ang mga pangha-harass ng China sa PCG.

"Senator Robin Padilla, with all due respect, our transparency initiative is not wartime propaganda. It is simply a means to expose Chinese aggression and harassment — particularly against our Filipino fishermen and our PCG and BFAR vessels. We do not create the incidents; we only document them," ani Tarriela.

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

Pinuna rin ni Tarriela ang tila pagtanggap umano ni Padilla sa impresyong unggol ang mga Pilipino.

"We cannot deny our relativity to each other. Going down to Mr. Tarriela's level is abandoning our Asian and Austronesian heritage," giit ng senador.

Banat naman ni Tarriela, "Secondly, I believe it is an insult to the more than 26 million Filipinos who voted for you na tinanggap ninyo po na unggoy tayo."

Hirit pa niya, "Ako po, bilang Pilipino, ay hindi kailanman tatanggapin na unggoy ang aking lahi — at hindi ko rin matatanggap na unggoy ang mga susunod pang salinlahi ng ating bansa. Ang tunay na paggalang sa ating lahi ay ang ipagtanggol ito — hindi ang tanggapin ang pang-iinsulto!"

Matatandaang ibinahagi rin ng China Daily’s publication sa kanilang FB page noong Hulyo 10, ang naturang 58 na segundo ng AI generated nilang video kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan. 

KAUGNAY NA BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!