NAGPALAKPAKAN ang press people pagkatapos mapanood ang trailer ng tinatawag na “millennial fairytale” ng GMA-7 na may world premiere sa September 30, pagkatapos ng The Gift ni Alden Richards. Comedy, kilig, drama ang hatid ng series sa viewers at rason para subaybayan ito.

RODERICK

Isa sa nakakatawang eksena ay ang mga eksena ni Roderick Paulate na gumaganap sa role ni Paps Fernando na sa pangalan pa lang, nakakatawa na at obvious na galing sa pangalan ni Pops Fernandez.

Nakakatuwang basahin ang comments ng netizens, na-miss nila si Roderick, na-

'Ang haaaawt nya!' Dating aura ni John Lloyd, bumabalik na raw

miss nila ang brand nang pagpapatawa nito, kaya papanoorin nila ang One of the Baes. Ang iba, inalala ang mga pelikulang ginawa ni Roderick at kung paano sila pinatawa nito. Asahan daw sila na kabilang manonood sa series.

Sa presscon, nabanggit ni Roderick na iiwan muna niya ang politics at binalikan muna ang showbiz.

“Naisip ko nga kung tatanggapin ba uli ako sa comedy dahil ang tagal kong hindi nag-comedy. Kaya ko tinanggap ang project na ito dahil maganda ang presentation ng production nang kausapin ako. Kilala nila ako, alam nila ang mga pelikula ko at feeling ko, binigyan nila ako ng respeto at malaking bagay sa akin ‘yun. Magaling silang makipag-usap, kaya walang rason para para hindi ko ito tanggapin,”sabi ni Roderick.

Ikinatuwa rin ni Roderick ang narinig na gusto siyang makatrabaho ng mga batang Kapuso stars at si Ken Chan, umaming na-starstruck sa kanya. Enjoy rin siyang makasama sina Ken, Rita Daniela at iba pang cast at importante na magaan ang trabaho ng lahat at masaya lang ang buong cast, kahit minsan, mahirap ang mga eksena.

-Nitz Miralles