BUMULAGA among the Twitter fans ni phenomenal star Maine Mendoza last Tuesday morning, September 24, ang tweet niyang “Pagod na pagod na ako kahit Tuesday pa lang Lord pengeng lakas please.”

maine

Bumilang ng libu-libong comments from fans ang daing ni Maine, na nag-wish na sana raw ay makapahinga naman siya. Hindi mo naman siya masisi dahil nagkataong recently, nagkasunud-sunod ang work niya. Magkasabay niyang sinu-shooting ang dalawang movies niya, ang Isa Pa With Feelings katambal for the first time ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino for BlackSheep Inc. at ang Mission Unstapabol: The Don Identity na pinagtatambalan nila ni Vic Sotto, entry ng APT Entertainment, Inc. at M-Zet Productions for the coming Metro Manila Film Festival sa December, 2019.

Kahit hindi muna siya nagri-report sa Eat Bulaga daily pero every Saturday, kung may chance, dumarating pa rin siya, plus every Tuesday ay nagti-taping pa siya ng comedy series na Daddy’s Gurl na napapanood naman every Saturday evening sa GMA 7, kasama pa rin si Vic Sotto. Sa loob din ng isang linggo, hindi puwedeng walang photo shoot si Maine for a TV commercial.

Teleserye

Buwayang 'daks' na may abs, naispatang pagala-gala sa footbridge

Nakausap namin ang manager ni Maine sa Triple A Productions si Rams David at kahit sila ay naaawa rin kay Maine, pero being a professional, hindi naman nito pinababayaan ang tinanggap na trabaho.

Natatandaan namin na nang unang pumasok si Maine sa “Eat Bulaga,” ang gusto lamang niya, mag-host at mag-dubsmash sa kalyeserye ng noontime show. Iyon daw lamang kasi ang alam niyang gawin. Pero nag-evolved nga si Maine, nasundan ito ng iba’t ibang commercials na pinagsamahan nila ng ka-love team na si Alden Richards. Gumawa sila ng isang blockbuster movie, ang Imagine You & Me shot in Italy, nasundan ito ng isang teleserye na Destined To Be Yours for GMA Network. Lahat iyon ay sinuportahan si Maine ni Alden dahil mas una naman itong pumasok sa showbiz. But after ng unang teleserye ay ayaw na talagang pumayag si Maine na masundan pa ito, pumayag siya sa sitcom dahil once a week lamang ang taping nito. At iyon nga ang daily appearance niya sa Eat Bulaga. At ang paggawa ng movie, gusto ni Maine ay once a year lamang siya gagawa but this time ay nagkasunod ang dalawang movies.

Sa October 16 na ang showing ng Isa Pa With Feelings at sa December 25 ang MMFF.

“It’s good na parehong patapos na rin ang dalawang pelikula ni Maine, kaya may chance na siyang makapagbakasyon kahit ilang araw lamang,” sabi ni Rams. “Iyon ay after niyang makapag-promote ng movie nila ni Carlo.”

-Nora V. Calderon