UNANG ipinalabas sa 2019 Cinemalaya ang Edward at isa sa mga entry na umani ng positive feedback at isa sa pinanood. May commercial run ang movie sa October 2 dahil ire-release ng Viva Films.
Sa direction ng Young Critics Circle awardee na si Thop Nazareno na siya ring sumulat ng story, nasa title role ng Edward si Louise Abuel at kasama si Ella Cruz bilang si Agnes na kapwa niya pasyente sa ospital.
Sabi ng Viva Films: “Edward is a coming-of-age movie which serves as a mirror image of the healthcare system and the government-funded hospitals in the Philippines. Instead of a place where the sick are supposed to feel comfortable, the movie shows how the lack of both medical staff and effective equipment actually adds burden to them and the individuals who watch over them.”
Kuwento pa ni direk Thop, nag-audition si Louise sa role ni Edward at unang kita pa lang niya rito na nakaupo, alam niya agad na nahanap na niya si Edward.
“He looked perfect for the role. I was praying during his entire audition that he’d deliver what we were looking for,” sabi ni direk Thop na hindi na-disappoint dahil nagpakita nga ng husay ang young actor.
Inamin naman ni Ella na hesitant siyang tanggapin ang role ni Agnes dahil “feisty, blunt, and uses cuss words” eh, hindi siya nagmumura in real life. Pinasalamatan nito sina Mr. Vic del Rosario, Vincent del Rosario, director Joyce Bernal at direk Thop na nag-encourage sa kanya na tanggapin ang pelikula at role.
Hindi nagsisi si Ella dahil nanalo siyang best supporting actress sa Cinemalaya for the said movie. Kaya, malaki ang pasasalamat ni Ella sa mga nagtiwala at nag-encourage sa kanya na gawin si Agnes.
May smack kiss sa lips sina Ella at Louise sa Edward with Ella initiating the kiss. Kuwento nito, nasa set ang BF niyang si Julian Trono nang kunan ang eksena, hindi para magbantay dahil napadaan lang ito sa shooting kasama ang brother ni Ella.
“Ang tanong lang niya sa akin ay kung okay akong gawin ang eksena at nang sabihin kong okay lang, wala na rin siyang problema,” pagtatapos ni Ella.
-Nitz Miralles