LAST Wednesday, September 25, nag-last taping day na ang sexy-drama series na The Better Woman ng GMA Network nina Andrea Torres (in dual role) at Derek Ramsay. Tonight, mapapanood na ang pinakaaabangang grand finale ng serye na dinirek ni Mark Sicat dela Cruz.

Andrea & Derek TBW finale 092619

Pero ngayong umaga, papuntang Dubai sina Derek at Andrea, si Derek to play basketball sa PBL, at sasamahan naman siya ni Andrea. Kaya naman biro ng mga entertainment press na dumalaw sa last taping day nila, sila na bang dalawa?

Ang hirap pasagutin ng “yes” ang dalawa pero based sa mga sagot nila sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa, hindi na kailangan sumagot sila ng ‘yes’. Walang ligawang nangyari, basta naging close na lamang sila simula pa nang mag-shoot sila ng summer plug for The Better Woman.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

First time ring naging open si Andrea na magsalita tungkol sa isang relasyon. Basta madaling nagkasundo ang kanilang mga parents.

“That is the woman na may breeding,” sabi ng Mom ni Derek kay Andrea. “Ako naman hindi ko na dapat ipakita ang best foot forward ko sa parents ni Andrea. Ever since naman kasi kung may karelasyon ako, lagi kong binibigyang importansiya ang parents nila.”

“Marespeto siya,” sabi ng dad ni Andrea tungkol kay Derek. “Si daddy, mahirap ma-impress ng guy na ipinakikilala ko sa kanya, kaya nakakatuwa na na-impress siya ni Derek.”

Parehong masaya kung anuman meron na sila ngayon, ang parents nila kasama nila sa mga plano nila.

“Good influence si Derek sa akin,” sagot ni Andrea.

“Wala naman akong masasabi pa kay Andrea. She is always there to support me,” tugon naman ni Derek.

Inamin na rin nina Derek at Andrea na may mga eksena sila sa The Better Woman na nalilimutan nilang ‘love’ ang tawagan nilang mag-asawa, minsan daw pinalulusot na ni Direk Mark iyong tawagan nilang ‘babe’ at ‘chin-chin’ na tawag sa kanya ni Derek off-camera.

Sa huli, kitang-kita mo ang happiness nina Derek at Andrea na hindi puwedeng itago sa hindi pagsagot ng ‘yes’ tungkol sa totoo na nilang relasyon na nabuo sa pagsisimula pa lamang nilang mag-taping ng “The Better Woman” five months ago.

Kaya tonight, huwag ninyong i-miss kung paano makakaligtas sina Jasmine at Andrew sa mga bagong paghihiganti ni Juliet sa kanilang mag-asawa. Ano ang magiging ending ng character ni Andrea bilang si Juliet? Mapapanood ito pagkatapos ng The Gift.

-NORA V. CALDERON