SUMUKO na ang mga kaibigan ng kilalang artistang/direktor sa pagtulong sa kanya dahil sa paulit-ulit niyang alibi sa tuwing hihiram o hihingi ng tulong.

Kuwento mismo sa amin ng isa sa kaibigan ng artistang/director, “nakakapagod siyang tulungan kasi paulit-ulit lang ang katwiran niya. Halos lahat ng hinihingan niya, mine-message niya, seen zone na lang.

“Ang mga rason niya, kailangan niya ng pambili ng maintenance niya, magpapa-duktor siya, kesyo apat na buwan na siyang hindi nakakabayad ng renta sa bahay at binibigyan siya ng palugit ng may-ari ng ilang linggo na lang, dahil kung hindi, palalayasin na siya.

“Ang nakakaloka, nakakaawa sana at masarap tulungan, kaso, ‘yung 4 months na hindi siya nakakabayad eh last year pa niya sinasabi at bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya pinapalayas?

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Napagod na rin ang mga artista at kapwa direktor na hinihingan niya ng tulong, dahil paulit-ulit na lang ang rason niya. At natu-turn off ‘yung iba kasi nagdidikta pa siya ng halaga na dapat itulong sa kanya. Kaya dinededma at sini-seen na lang ang mga messages niya.”

Ang nagkuwento sa aming artista ay marami ng natulungan ding kapwa artista na nangangailangan, maging mga taga-media ay marami rin siyang tinutulungan sa abot ng makakaya niya at higit sa lahat, nagtatag siya ng foundation na maraming nakikinabang.

Pero hanggang saan ba ang pagtulong sa kapwa?

“Wala naman kaso sana ‘yung uulit humingi ng tulong, kaso ‘yung same reason parang, teka hindi ka ba gumagawa ng paraan para maayos, inasa na niya ang buhay sa mga kaibigan.

May work siya, pagtiyagaan niya kung maliit ang kita. Sabi nga matutong mamaluktot sa maliit na kumot,” sabi ng kausap namin.

Sikat ang artistang/direktor na ito noong araw dahil mahusay siya sa komedi at marami siyang friends dahil lovable siya. Hanggang doon lang ang alam namin sa buhay niya.

Balita namin ay may TV project siya bilang direktor hindi nga lang daw regular.

-Reggee Bonoan