NAGPASIKLAB muli si Mark Yee sa game-high 22 puntos kabilang na ang insurance charity shot sa endgame upang takasan ng Davao Occidental Tigers sa dikdikang 76-71 panalo kontra palabang Basilan Steel kamakalawa sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup kahapon sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.
Humugot din ng limang rebounds, dalawang assist at isang steal si Yee upang maiwasan ang napipintong upset ng kanilang koponang Davao Occidental at suwerteng maitala ang pang-13th panalo sa 15 laro para manatili sa top spot ng Southern Division.
Bukod kay Yee na nakalikom na ng kabuuang 29 double-double performance sa liga, tumikada rin ng 13 puntos, apat na rebounds at isang steal si Emman Calo ,10 puntos na may kasamang dalawang rebounds at isang steal naman mula kay Chester Saldua para sa koponan ni Dumper Party List Rep Claudine Bautista na sinusuportahan din nina Cocolife Atty. President Jose Marti Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franze Joie Araque.
Umiskor si Jerald Bautista ng 18 puntos at sinundan ng 14 puntos mula kay Jay Callado na nagsanib-,puwersa sa kanilang mainit na paghabol sa final quarter para sa losing cause ng Basilan Steels na dumausdos sa solo fifth spot sa kanilang 9-6 record Southern Division.