NAKAMIT ng defending UAAP Women’s Badminton champion Ateneo de Manila University ang unang Final Four berths matapos gapiin ang University of the Philippines, 4-1, nitong Martes sa Centro Atletico Badminton Center.
Nanatiling dominante sina last year’s co-MVPs Chanelle Lunod at Geva De Vera sa parehong impresibong panalo sa singles matches, gayundin sa doubles event.
Magaan na dinispatsa ni Lunod si Jaja Andres sa first singles match, 21-15, 21-10, bago nakipagtambalan kay De Vera para maungusan sina Pauline Santos at Marie Lopez sa first doubles duel, 21-10, 21-3.
Nanaig si De Vera sa dikitang 21-18, 21-18 panalo kay Airish Macalino sa final singles match.
Tanging si rookie Aldreen Concepcion ang nakalusot sa Fiaghting Maroons nang mamayani sa second singles match laban sa kapwa bagitong si Mika De Guzman, 26-24, 18-21, 26-24.
Naselyuhan ni De Guzman ang dominasyon ng Lady Shuttlers sa pakikipagtambalan kay Andres kontra Tricia Opon at Qianzi Orillaneda, 21-13, 21-9, sa second doubles event.
“Yun yung nagustuhan ko about the team, nagsasaluhan kami. ‘Pag may natalo, babawi,” sambit ni Lunod.
Nagwagi rin ang National University at De La Salle University laban sa UST Golden Shuttlers (4-1) at UE Lady Red Warriors (5-0), ayon sa pagkakasunod.
-Marivic Awitan