YES, madlang pipol, mga batikang aktor ang magsasama-sama sa One of the Baes na bagong serye ng News and Public Affairs sa GMA Network.
Now ang tanong, may pressure kaya sa young cast ng upcoming primetime series na One of the Baes na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela dahil veteran actors ang kasama nila?
Hindi kasi basta-basta ang bumubuo sa tinaguriang ‘millennial fairytale” series na produced ng GMA News and Public Affairs.
Kasama rito sina Amy Austria, Melanie Marquez, Tonton Gutierrez, at Jestoni Alarcon.
Mukhang malaki rin ang gagampanang role ng nagbabalik-telebisyon na si Roderick Paulate.
Tiyak na marami ang nag-aabang sa muling pagpapatawa ni Dick.
Matatandaang nag-viral ang isang clip ng veteran actor na kuha sa set ng One of the Baes matapos nitong makakuha ng million views sa Facebook.
“Walang kupas” nga raw ang talento sa pagpapatawa ni Roderick at talaga naming na-miss daw ng netizens ang kanyang pag-arte.
Oo naman. Si Roderick Paulate pa ba? No need to say more, ika nga. So welcome back sa showbiz world Roderick Paulate after your political career na nag-end na last election.
Or end na nga ba talaga? Pakihulaan nga po Madam Damin. Yun lang and I thank you.
-MERCY LEJARDE