Ang makakuha ng overall championship o wala na lang ang dalawang pagpipilian na siyang inihatag ni Congressman Mikee Romero para sa kampanya ng bansa sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Cong. Mikee Romero

Cong. Mikee Romero

Ayon sa Kongresista, tanging ang overall championship ang dapat na maging resulta sa magiging performance ng mga atleta ng bansa para sa kampanyang ito sa biennial meet.

“It has been 14 years since we placed No. 1 so I expect no less than the overall championships for the Philippines,” pahayag ni Romero, sa kanyang pagdalo sa lingguhang PSA Forum kahapon na ginanap sa Amelie Hotel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon pa sa kanya, kailangan lamang na duplikahin ng bansa ang naging performance nito sa nakaraang 2005 SEA Games, kung saan naging host din ang Pilipinas, at nagwagi ng overall championship.

Idiniin pa ng 1PACMAN Partylist Representative na si Romero na hindi magiging maganda kung tumapos lamang ng ikalawang puwesto ang Pilipinas ngayong hosting na ito ng nasabing 11-nation meet, gayung nasa kamay na nating pagkakataon para maging kampeon sa nasabing torneo.

“We really need to win the overall (crown) otherwise we will fall short. Second place won’t look good,” pahayag ni Romero. “So it’s really an overall championship or bust”, aniya.

Kabuuang 56 sports at 530 gold medals ang nakataya para sa nasabing komeptisyon na tatagal ng 12 araw na magaganap sa Clark Pampanga, Maynila, Cavite, Batangas at Laguna.

-Ann ie Abad