ABUT-ABOT ang tuksong inabot ni Louise Abuel, ang bida sa pelikulang Edward na kasama sa 2019 Cinemalaya sa ilang entertainment press sa ginanap na pocket interview nila ni Ella Cruz kasama si Direk Thop Nazareno dahil sa edad na 15 ay nabinyagan na ang kanyang matatamis na labi ng aktres na itinuring niyang ‘ate’ sa showbiz.

EDWARD

Ang sabi ni Louise, “first kiss ko po ang mama ko.”

Hirit ni Ella, “Sabi ko nga, ‘weh, wala ka pa talaga nagiging girlfriend?”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ano ang feeling ni Louise pagkatapos ng kissing scene nila ni Ella, “hindi ko po alam ang feeling, hindi ko po alam ang nararamdaman ko nu’ng oras na ‘yun.”

Pambubuking pa ng aktres, “Actually pagkatapos po ng kiss nakatulala siya, sabi ko nga, ‘okay ka lang Louise? Ang tagal kasi niyang nakatulala.”

Bakit natulala ang batang aktor, “parang nakakailang lang kasi nahiya po ako kay ate Ella.”

Natawa naman ang aktres sa pagbanggit ng binatilyo ng ‘ate Ella.’

Pag-uwi ng bahay ni Louise hindi naman niya naiisip na si ‘ate Ella’ niya dahil sa halik nito.

“Hindi naman po,” nakangiting sabi ng bagets.

Dagdag ni direk Thop, “pagka-cut ko po, nagtatago siya sa likod ko sa sobrang hiya. E, ang laki-laki niya paano siya magtatago sa likod ko?”

Ano naman ang naging reaksyon ng magulang ng batang aktor sa eksenang ginawa nila ni Ella.

“Sa totoo lang po, sobrang excited nila para sa film, mas excited pa nga sila kaysa sa akin. Sila po ‘yung unang nakabasa ng script bago po ako.

“Nu’ng pinapanood na po namin ‘yung film tapos kasama ko po sila, nu’ng mag-start na ‘yung kissing scene hindi po ako nanood as in nakayuko ako. Sumilip lang po ako pero promise hindi ko po pinanood,” paliwanag ng bagitong aktor.

Nasarapan ba si Louise sa kissing scene nila ni ate Ella, “parang, ‘okay ‘yun pala ‘yun.. Kasi hindi ko po talaga alam kung anong mararamdaman ko kasi halo-halo po. Kasi siyempre iniisip mo na trabaho lang ‘to. Kailangang gawin para sa art at sa pelikula. Ewan, hindi ko po talaga alam ang mararamdaman ko.”

At dahil virgin lips si Louise kaya si Ella ang nagturo kung paano humalik ang batang aktor. Nawala ba ng awkwardness niya sa ‘ate’ niya.

Sinalo ni direk Thop, “I think ‘yun po ang point ng scene kasi ang character niya is fery awkward, so less ng take mas maganda kasi mas lumalabas ‘yung awkwardness. Kaya wala po akong ibinigay na instruction sa kanya, si Ella ‘yung nagli-lead ng eksena.”

“Kasi si Edward po inosente siyang bata so tulad ko kung ano ‘yung naramdaman ko sa kissing scene ‘yun po talaga ang naramdaman ng isang teenager after that kiss,” sambit ng bagets.

Ano ang unang pumasok sa isipan ni Louise nang makatikim siya ng halik, “Wow, lalaki na ako, matured na ako, ha, ha ha (nagkatawanan ang lahat lalo na si Ella).”

Pambubuking ni direk Thop, “humingi ng safety take, sabi niya, ‘isa pa direk.’

“Kasi po itong pelikulang Edward lang ang nagpakitang teenager na ako, the rest po kasi puro noong bata pa ako. So first time akong makikita rito sa pelikulang teenager na kao,” katwiran ng batang aktor.

Sa tanong namin kung plano na niyang magkaroon ng girlfriend, “hindi pa, pero (sabay tanong sa ina) ‘Ma (puwede na). Hindi joke lang po.”

“Hindi po, eh. Nagka-crush na ako pero hindi po ako masyadong seryoso sa ganyan,” sabi ni Louise.

Nahirapan daw si Louise sa break down scene niya, “opo kasi matagal ‘yun, nag internalize ako kasi dalawang mahal niya ang nawala sa buhay niya. So hindi na niya alam kung saan siya pupunta.”

Anyway, inamin din ng binatilyo na mas mahiyain siya ngayong teenager na siya kaysa noong bata siya lalo na nu’ng napasama siya sa Juan de la Cruz (2013) serye ni Coco Martin.

“Opo, kasi doon (serye) po wala akong kasamang bata, puro sina kuya Coco lang kasama ko,” say ni Louise.

At sa nakaraang ABS-CBN Ball ay nagkita sila ni Coco at binati siya dahil nabalitaang maganda ang Edward.

Mapapanood na ang Edward sa Oktubre 2 nationwide produced ng Viva Films at kasama rin sa pelikula sina Dido dela Paz, Elijah Canlas at Manuel Chua.

-REGGEE BONOAN