TILA sunud-sunod ang blessings ngayon sa buhay ng sought-after Kapuso actress na si Jo Berry na mas higit na nakilala sa top-rating GMA primetime soap na Onanay.

JO BERRY

Bukod sa ginagampanan nitong karakter bilang ina-inahan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa inspirational drama na The Gift gabi-gabi, mapapanood din si Jo sa big screen para sa new comedy film na Kiko En Lala na showing na ngayong araw, kung saan siya ay gaganap bilang si Tadhana, isang manghuhula sa perya na may kapangyarihang umamoy ng mga kaluluwa.

Ayon sa producers ng pelikula, si Jo talaga ng first choice nila para sa role kahit noong binubuo pa lang nila ang konsepto ng naturang pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman overwhelmed and thankful si Jo sa tiwala na binigay sa kanya ng GMA.

Sa direksyon ng award-winning direktor na si Adolfo Alix, Jr., makakasama ni Jo sa Kiko En Lala sina Super Tekla, Ai-Ai Delas Alas, Kim Domingo, Derrick Monasterio, Kiray Celis, Divine Tetay, at Vangie Labalan na mapapanood na ngayong Setyembre 25 in cinemas nationwide.

-Mercy Lejarde