KAPWA nadomina ng Ateneo at University of the Philippines ang kani-kanilang karibal para magsosyo sa liderato tangan ang 3-0 marka sa UAAP Season 82 Women’s Badminton nitong Linggo sa PNP Sports Center.

MAGAAN ang panalo ng tambalan nina Ateneo’s Mikaela De Guzman at Samantaha Ramos.

MAGAAN ang panalo ng tambalan nina Ateneo’s Mikaela De Guzman at Samantaha Ramos.

Matikas ang defending champions Lady Eagles sa 15 sunod na laban, kabilang ang 5-0 pagbokya sa University of the East.

Sinimulan ni Ateneo co-captain Chanelle Lunod ang ratsasa ng Lady shuttlers sa magaan na 21-6, 21-10 panalo kay Patrice Reyes sa first singles match, kasunod ang panalo ni Geva De Vera kay Graziel Cabriga, 21-12, 21-6.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtambal sina rookie Mika De Guzman at nagbabalik na si Qianxi Orillaneda para sa ikalawalong sunod na panalo sa doubles match kontra kina Reyes at Justine Amposta, 21-3, 21-10.

Namayi rin ang tambalan nina Sam Ramos at Geia De Vera kontra Kessara Palot at Cabriga, 21-4, 21-17, sa second doubles, bago nairetiro ni Amposta si Aly Roxas, 18-8, bunsod ng hamstring injury.

“Everyone’s playing great naman. Nagagawa nila yung plays nila, which is yun naman ang aim, to show our plays individually. Hindi namin iisipin yung iba, yung sa sarili namin muna,” pahayag ni De Vera.

Hindi nagpahuli ang UP nang walisin ang University of Santo Tomas, 5-0, tampok ang panalo ng dating Tigress Shuttler na si Airish Macalino kontra Stephanie Mortera sa 21-13, 21-13.