May 26, 2026

Home BALITA Metro

Lalaki, tiklo matapos mandekwat ng kable

Lalaki, tiklo matapos mandekwat ng kable
Photo Courtesy: Screenshots from MMDA (FB)

Sapul sa CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalaking nagnakaw ng mga kable sa Ayala tunnel noong gabi ng Mayo 22.

Sa isang Facebook post ng MMDA nitong Martes, Mayo 26, mapapanood sa CCTV footage na hinila ng lalki ang mga kable at pinagputol-putol.

Kaya naman agad na nakipag-ugnayan ang MMDA Metrobase Southern Police District (SPD)-Makati para arestuhin ang lalaki noong gabi rin mismo ng Mayo 22.

Samantala, nagbabala naman si MMDA Gen. Manager Nicolas Torre III na huwag nang subukan pang gawin ang ginawa ng lalaki.

“‘Wag nyo na kasing subukan ngayon kasi andyan lang sa tabi tabi at nagmamasid sina Lola Daisyplina at Big Brother,” saad ni Torre sa kaniyang Facebook post nitong Mayo 26.

Metro

DSWD, magbibigay ng ₱15k ayuda sa pamilya ng nasawing babae sa payout

Dagdag pa niya, “Salamat sa ating 136 Trooper na agad nag-alerto sa Metrobase kaya mabilis na narespondehan at nahuli ang suspek. Ganito dapat ang gobyerno: gising, mabilis, at maaasahan.”

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Makati Police ang suspek na isinailalim sa inquest proceeding sa Office of the City Prosecutor ng lungsod.